© Copyright
JERSON Designs
All Rights Reserved

playlist




Lyrics


Nandito Lang Ako - Shamrock

Nais kong iyong malaman
Ngunit di ko naman pwedeng sabihin
Paano mo maiintindihan
Kung di ko rin pwedeng aminin

Ngunit kahit puno ng lihim ang aking pagkatao
Maging ang buhay kong ito'y ibibigay sa iyo

Chorus
Tibay at lakas ng loob ang iaalay
Para lang sa iyo
Nais kong malaman mo
May karamay ka
Nandito lang ako

Marunong din naman ako magmahal
Kahit lagi lang nasasaktan
Ang tanging pangako ko ay tapat ang puso kong ito

Ngunit kahit puno ng lihim ang aking pagkatao
Maging ang buhay kong ito'y ibibigay sa iyo

Tibay at lakas ng loob ang iaalay
Para lang sa iyo
Nais kong malaman mo
May karamay ka
Nandito lang ako

At kahit na magkaiba ang ating mundo
Pipilitin kong mapalapit sa iyo
Repeat chorus


Sana - Shamrock

Langit na muli
Sa sandaling makita ang kislap ng iyong ngiti
May pag-asa kaya
Kung aking sasabihin ang laman ng damdamin.

Refrain
Pinipilit mang pigilin
Na ikaw'y aking isipin/ibigin
Wala na yatang magagawa.

Chorus
Sana'y hindi ipagkait sa 'kin ang sandali
Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig.
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka.
Laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta.

Pinapangarap ka
Tinatanaw sa ulap ang iyong mga mata
Dinarasal kita
Hinihiling sa sana ay lagi kang masaya.

Refrain
Chorus

Disclaimer : All videos , soundclips and images are copyrighted by their respective owner, we do not own any soundclips and are not affiliated with any of these audio.